TANGGAL KA! GOBERNADOR ng Misamis Oriental Pwedeng Matanggal sa Sinabing DI Dapat Maging Nurse ang mga PANGIT!


Naniniwala si Misamis Oriental Governor Peter Unabia na ang pagiging nurse ay propesyon na nararapat lamang sa mga magagandang babae.

Sa kanyang talumpati sa isang campaign rally nitong Abril 3, sinabi ni Unabia na mayroon silang provincial nursing scholarship program na eklusibo lamang para sa magagandang nurse.

“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” wika ni Unabia.

“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan),” dagdag pa niya.

Maging si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila ay hindi nakatiis bumwelta sa pahayag ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia patungkol sa mga nurse.

Matatandaang sinabi ni Unabia sa isang proclamation rally na limitado lang umano sa magagandang babae ang provincial nursing scholarship program.

 “Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan,” saad ni Unabia.

Kaya sa X post ni Karen nitong Linggo, Abril 6, inalmahan niya ang nasabing pahayag.

Aniya, “Isa pa ito. Stop sexualizing & objectifying nurses. Talagang hitsura ang basehan?”

“Comments like this insult the nursing profession. It undervalues the intelligence & skill-set needed to do the job of a NURSE. Babae man o lalaki. Nurses work really hard to take care of a stranger’s health and life. Value that,” dugtong pa niya.


Post a Comment

0 Comments