NA AMBUSH! BJMP na Galing Hearing sa MAKATI RTC Tinambangan sa CAVITEX sakay ang isang Chinese!


Tinambangan ng armadong kalalakihan ang isang transport vehicle ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos dumalo sa isang hearing sa Makati City Regional Trial Court kahapon, Abril 7.

Ayon sa ulat, lulan ng sasakyan ang 37-anyos na Chinese national na si Si Hu Yang.
Naganap ang pananambang sa Cavitex, kung saan nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasugat ng isang jail officer.

Naaresto ng SWAT ng Parañaque City PNP ang mga suspek matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa isang puno.


Hinarang umano ang BJMP ng dalawang sasakyan, kung saan nagkaroon ng engkwentro at tinamaan sa balikat ang isang jail officer.

Naaresto naman ang dalawang Chinese at apat na Pilipinong suspek matapos bumangga ang isa sa mga getaway vehicle.

Lumabas sa imbestigasyon na layunin ng grupo na iligtas ang Chinese inmate na kasamahan nila sa isang sindikato ng kidnapping, carnapping, at gun running.

“The purpose of this extrication, para irescue nila itong suspek as their boss. Then the 4 Filipinos, nagamit lang and they will pay P25,000 each after,” ayon kay Montante.

Samantala, nasa kustodiya na ng Parañaque City Police ang mga suspek at mahaharap sa kasong frustrated and attempted murder, illegal possession of firearms, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Omnibus Election Code. (AM)






Post a Comment

0 Comments