MAS LIGTAS NGAYON? ILAN UMANONG MGA Krimen sa Kalsada ay SCRIPTED Ayon Kay ROMUALDEZ!


Binatikos ni House Speaker Martin Romualdez ang umano'y paglaganap ng mga content na nagkukunwaring aktwal na krimen sa social media.

Matatandaan na may ilang mga content na kumakalat ngayon sa social media ang sinasabing nangyari sa Pilipinas, ngunit ang katotohanan ay sa ibang bansa pala naganap.

Iginiit ni Romualdez na totoo ang sinasabi ng PNP na mababa na ang krimen sa Pilipinas, ngunit hindi umano ito pinapaniwalaan ng mga netizen dahil sa mga lumalabas na mga content na maituturing na walang katotohanan o scripted.

Mas mainam umano na gamitin ng mga netizens ang social media upang labanan ang masasamang tao imbis na magpakalat ng maling impormasyon.

“Our streets are safer. That’s the truth," ani Romualdez.


Post a Comment

0 Comments