MANANAGOT KAYO! NOLI DE CASTRO Nagbabala at Sinabing May Pananagutan ang META sa Pagkalat Umano ng FAKE NEWS!


Iginiit  ni dating Bise Presidente Noli De Castro na dapat managot ang mga kumpanyang nagpapatakbo ng social media, gaya ng Meta, sa paglaganap ng mga fake news.

“Tingin nyo po hindi lang sa content creator o nag-post ang sole responsibility pagdating po sa mga pinopost nila pati rin po ang Meta tingin nyo meron din pong responsibilidad patungkol sa mga post na inilalagay sa kanilang platform?” tanong ni Khonghun.

Sagot naman ni De Castro, “Yes po. Mahalaga po yun dahil sila ang means eh para maipakalat yun eh, wala namang iba.”

“Naniniwala ho ako na ang Meta ay malaki ang responsibilidad dahil sila ang [may] means para maipakalat ‘yun eh, wala namang iba. Kung Facebook halimbawa, Facebook lang ang magpapakalat niyan. Wala nang iba. Facebook to Facebook. ‘Yung mga may Facebook,” dagdag pa ni De Castro.

Si De Castro ay madalas na pinupuntirya ng mga pekeng balita, kabilang na ang mga quote card na mali ang nilalaman at isang post na nagpapalabas na siya ay pumanaw na, kahit ito ay hindi totoo.

“Sanay na ako sa mga lumalabas na ganito. Ang first reaction ko ay gumawa ng paraan para ipakalat ko na fake nga ito, lagyan ng bold letter na fake,” sabi ni De Castro.

“Kami ho fortunately kami sa media, sa mga broadcaster, nako-correct kaagad ho namin on the air. Pero ang kawawa ay ‘yung wala, walang means para maharang kaagad nila ang mga fake news na lumalabas against them,” dagdag pa nito.

Itinanggi rin ni De Castro ang kumalat na quote card na nagsasaad na sinusuportahan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, hindi ito totoo at iginiit na hindi rin siya sumusuporta kay Duterte dahil umano’y maka-Leni Robredo siya.


Post a Comment

0 Comments