Patuloy na nagpapagaling sa hospital ang mayoralty candidate na si Kerwin Espinosa matapos itong mabaril pasado alas 4 ngayong hapon sa Brgy Tinag-an, Albuera, Leyte.
Ayon sa report mula sa Kapulisan, nagtipon tipon ang slate ni Espinosa sa covered court sa naturang barangay nang bigla itong barilin.
Maliban kay Kerwin ay nadamay din sa pamamaril ang isang menor de edad
Patuloy pang nagsasagawa ang kapulisan ng masinsinang imbestigasyon nang sa gayun ay matukoy ang responsable sa naturang krimen.
Matatandaang si Espinosa ay dating binansagan na self confessed drug lord, na humarap sa mga kasong may kaugnay sa illegal nadroga sa panahon ni Dating Presidente Rodrigo Duterte, ngunit karamihan sa kanyang kaso ay na dismiss.
0 Comments