Hindi naitago ni Sen. Imee Marcos ang kanyang pagkadismaya dahil hindi sinipot ng mga taga executive branch ng gobyerno ang kanyang paanyaya sa senado para imbestigahan ang paghuli kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sinabi ng Malacanang na parte ng executive privilege na hindi sila dumalo sa imbestigasyon ni Marcos.
"Sadyang naging duwag na nga ba ang mga pilipino? Kung ang sigaw ng sambayanan para kay PRRD ay bring him home, ang sigaw ko sa executive secretary Bersamin para sa pinuprotektahan niya, ay bring them here to the Senate now!" aniya
0 Comments