BINATIKOS! CONGRESSIONAL Candidate ng PASIG Atty. Ian Sia Inulan ng Matinding Batikos ng MAGBIRO sa mga SOLO PARENT!


Kumakalat ngayon sa social media ang isa sa mga parte ng talumpati ni Pasig City congressional candidate Atty. Ian Sia matapos nitong magbiro tungkol sa kanyang magiging ambag sa mga solo parent.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sia na maaring 'sumipin' sa kanya ang mga solo parent na nalulungkot kada taon bilang ambag niya.

Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang sinabing ito ni Sia lalo na't katatapos pa lamang ng Buwan ng mga Kababaihan.

"Ito po ang ambag ko para sa nga Solo parent ng PASIG. Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae nireregla pa at nalulungkot, minsan sa isang taon pwede pong sumiping sa akin. Yun pong interesado magpalista na po dito sa table sa gilid."


Post a Comment

0 Comments